Advertisers

Advertisers

“SAFE TRIP MO, SAGOT KO”, TINIYAK NG MPT SOUTH SA MGA MOTORISTA

0 100

Advertisers

ANG MPT South ay magpapatibay sa “Safe Trip Mo, Sagot Ko”, ang motorist assistance program na pinakilos ngayong holiday peak sa mga high-speed road network nito. Para sa CAVITEX at C5 Link, ito ay gagawin katuwang ang joint-venture partner nito, Philippine Reclamation Authority sa pamamagitan ng operating subsidiary nito, ang PEA Tollways Corporation (PEATC).

Nabatid sa ulat na simula 6AM ng Disyembre 23,2022 hanggang 6AM ng Disyembre 23,2022 hanggang 6AM ng Disyembre 26,2022 at 6AM ng Enero 1,2023 hanggang 6AM ng Enero 6,2023 kung saan sa ilalim ng programa ang towing service para sa Class 1 na na sasakyan ay libre hanggang sa pinakamalapit na labasan.

Bukod dito, palalakasin din ng MPT South ang 24/7 customer service at magpapalaki ng karagdagang manpower tulad ng RFID lane assist, ambulant tellers sa cash lane at traffic operations personnel. Naka-standby din ang emergency medical service at incident response team.



Sa panahong ito, sususpindihin din ang mga construction work sa kahabaan ng main line, maliban sa mga emergency repair.

Kaugnay nito, ginagantimpalaan din ng MPT South ang mga tapat nitong motorista sa pamamagitan ng MPTC-wide raffle promo na ‘Download,Drive and Win’ kung saan ay bukas ang promo sa lahat ng indibidwal na prepaid Class 1,2 at 3 expressway users ng CAVITEX,CAVITEX C5 Link, CALAX, NLEX, SCTEX at CCLE.

“ We are after the safety and smooth passage of our motorists 365 days of the year, and we are grateful for their patronage all these years.With Download, Drive and Win raffle promo, we hope to add joy to the yuletide season. We also hope to encourage the habit of ensuring sufficient load balance when passing through our toll roads, since it is now easier to monitor and reload real-time using MPT Drive Hub app.” ayon kay MPT South Presidente and General Manager Raul Ignacio. (JOJO SADIWA)