Advertisers

Advertisers

MGCQ sa NCR sa Nobyembre posible na – Palasyo

0 253

Advertisers

KAMPANTE ang Malakanyang na posible nang ilagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) kapag patuloy ang pagbaba ng naitatalang COVID-19 cases.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan nitong Huwebes, Oktubre 1.
Saad pa ni Roque na alam na ng lahat ang dapat gawin para maiwasan ang transmission ng naturang sakit gaya ng pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas at social distancing.
Nanawagan si Roque sa publiko na paigtingin ang pagsunod sa minimum health protocols.
Ang pahayag na ito ni Roque ay kasunod ng pahayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC) na maari nang paluwagin ang quarantine status sa NCR o ilagay sa MGCQ. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)