Advertisers

Advertisers

Driver wanted sa pagtangay ng minamanehong taxi

0 163

Advertisers

NADAKIP ang isang driver ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Highway Patrol Team ng Southern Police District (SPD) sa pagtangay sa taxi na kanyang minamaneho.

Ayon kay Pasay City Police Station chief, Colonel Byron Tabernilla, walang inirekomendang piyansa si Pasay City Regional Trial Court Branch 115 Judge Edilwasif Baddiri para sa pansamantalang paglaya ni Rosendo Pardello, 54, na dinakip sa Salud St., Barangay 3, Pasay City 1:00 ng hapon.

Ika-anim si Pardello sa listahan ng most wanted sa Pasay City sa kasong ‘di pagsoli ng minamaneho niyang taxi sa may-ari nito matapos siyang mag-remit ng boundary nitong Agosto.



Kinasuhan ang driver ng kidnapping.