Advertisers
PATAY na nang datnan sa loob ng kanilang bahay ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang pagnakawan sa Zamboanguita, Negros Oriental
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng mga biktima na sina Pedro Catalonia, 70 anyos; kanyang asawa na si Servana, 65; at anak na si Marites, 43.
Ayon sa isang anak na si Retchiel Catalonia,patay na nang datnan niya ang kanyang kapatid at mga magulang sa kanilang bahay sa Barangay Najandig nitong Miyerkoles.
Lumabas sa imbestigasyon na pinagnakawan ang mga biktima at pinagpapatay ang mga ito.
Natuklasan na wala na ang ilang mahahalagang gamit ng mga biktima, kabilang ang kanilang pera, ayon sa ulat.
Siyam na persons of interest ang iniimbestigahan ng mga awtoridad.