Advertisers

Advertisers

Lalaki nanalo sa sugal, binaril-patay ng kapitbahay

0 205

Advertisers

PATAY ang isang construction worker nang barilin ng kapitbahay na kanyang natalo sa sugal na cara y cruz sa Pabahay 2000, Barangay San Francisco, General Trias City nitong Pasko.

Dead on the spot ang biktimang si Mark Joshua Handayan Coronado, 23 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng General Trias police, nakikipagsugal ang biktima sa kanyang mga kapitbahay 3:45 ng hapon nang magalit ang kanyang mga kalaban dahil sa panalo ng biktima na inakusahan nila ng pandaraya.



Nagkaroon ng kaguluhan at tumakbo ang biktima, subali’t hinabol ito ng mga salarin.

Isa sa mga salarin na kinilalang si Goten Alamani Fatah ang nagbunot ng baril at sunod sunod na pinaputukan ang biktima.

Nagtamo ito ng mga tama at agad nasawi.

Tumakas ang salarin at ang iba pang nakalaban sa sugak ng biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">