Advertisers
KABILANG sa gagawaran ng Gawad Dangal Filipino Award bilang most ‘Outstanding Municipal Councilor of the Year’ si Councilor Esperanza “Fe” Ramos ng Santa Maria, Bulacan dahil sa patuloy na pagkalinga sa mga kapuspalad na may kapansanan na pinagkakalooban niya ng wheelchair, saklay, tungkod at walker; taunang pamimigay ng gamit eskwela sa mga batang mag-aaral sa mga daycare centers at naging susi, nagproseso ng mga requirements, paglapit kay Senador Bong Go para sa Malasakit Center sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital kaya naging free hospitalization ang pagamutang ito sa Santa Maria. Ang pagbibigay ng award ay gaganapin sa Dec. 28, 2022 sa Eurotel North Edsa, Quezon City.