Advertisers
Nais kong batiin at purihin ang pamunuan ng Airport Press Club (APC) sa matagumpay at masayang Christmas party na idinaos nito, kasama ang inyong lingkod, nito lang December 27.
Kakaiba at makasaysayan ang nasabing pagtitipon dahil iyon ang kauna-unahang Christmas party na isinagawa ng APC matapos ang pandemya.
Bukod riyan, ngayon lamang nangyari na nagkaroon ng iisang Christmas party ang dati ay hiwa-hiwalay na grupo na ngayon ay iisa na nga lamang sa ilalim ng APC na pinamumunuan ng aming pangulong si Ariel Fernandez.
Higit na pinagningning ang okasyon ng pagdalo ng mga bigating opisyal sa NAIA beat sa pangunguna ng napakabait na si Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr). Kasama din niyang dumalo sina Usec Joni Segismundo at Usec Bobby Lim.
Dumalo din sina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong, senior asst. general manager Bryan Co, public affairs office chief Connie Bungag at mga staff ng media affairs division sa pangunguna ni Jenson Nellas at Teody Jomoc.
Pinakamaagang dumating ang naggagandahang sina Philippine Airlines (PAL) spokesperson Ma. Cielo Villaluna kasama ang beteranong photographer Lito Hibo at Janet Cordero na Presidente ng PAGSS.
Dumating rin ang team ng Cebu Pacific na sina spokesperson Carmina Romero, Corporate Social Responsibility Specialist Roxanne Gochuico; Corp Comm Manager Romina Yasmin Aguirre at ang kinatawan ni CEB external PR Resty Perez na si Malou Reyes.
Naroon din ang mga kinatawan ng Air Asia na sina Steve Dailisan, head of communications and public affairs at deputy spokesperson Carlo Carongoy at pati na din ang magiting na spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines na si Eric Apolonio.
Dumalo din si Dana Sandoval, ang napakagaling na spokesperson ni Commissioner Norman Tansingco ng Bureau of Immigration (BI).
Kinabukasan naman ay nagpa-Christmas get-together din si MIAA general manager Cesar Chiong sa isang hotel malapit sa NAIA para sa APC pa din, para na rin sa isang masayang bonding.
Nakakatuwa ang pagpapahalagang ipinakikita ng mga nasabing opisyal sa APC members bilang katuwang sa kanilang pangaraw-araw na gawain, lalo na si DOTr Sec. Bautista at MIAA GM Chiong na kahit alam nating sobrang abala sa trabaho dahil sa holiday season at talagang naglaan ng panahon para makadaupang palad ang mga miyembro ng media na nagco-cover sa kanila.
Game din na nagpa-interview si Sec. Bautista nang dumalo siya sa aming party, bagay na nagpapakitang siya ay bukas na maglahad ng kung anuman ang gustong malaman ng media ukol sa operasyon ng DOTr.
Maraming salamat sa mga nasabing opisyal sa kanilang pagdalo at makakaasa naman sila ng patas na coverage sa panig ng mga mamamahayag na nagco-cover sa airport.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.