Advertisers

Advertisers

LeBron bida sa panalo ng Lakers vs Magic

0 136

Advertisers

UMISKOR si LeBron James ng 28 points, habang nagtala si Russell Westbrook ng triple-double upang tulungan ang Los Angeles La­kers na ilista ang 129-110 pagdurog laban sa Magic.

Tinuldukan ng Los Angeles (14-20) ang kanilang four-game slide tampok ang 15 points, 13 rebounds at 13 assists ni Westbrook.

Nagrehistro rin si James ng 7 rebounds at 5 assists at nag-ambag si Thomas Bryant ng 21 points at 10 re­bounds.



Pinamunuan ni Mar­kelle Fultz ang opensiba ng Orlando (13-22) sa kanyang 16 points kasunod ang tig-15 markers nina Franz Wagner at Wendell Carter Jr.

Ang 10-1 atake sa dulo ng first half ang nagbigay sa Lakers ng 16-point lead na hindi na nila binitawan laban sa Magic.

Sa Washington, nag­lista si Kristaps Porzingis ng 24 points at may 19 mar­kers si Bradley Beal sa 116-111 panalo ng Wizards (14-21) sa Philadelphia 76ers (20-13) na napigil ang eight-game winning streak.

Sa Indianapolis, nagsalpak si Buddy Hield ng anim na triples para sa kan­yang 28 points sa 129-114 pananaig ng Indiana Pacers (18-17) sa Atlanta Hawks (17-17).

Sa Boston, nagpasabog sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 77 points sa 126-102 panalo ng Celtics (25-10) sa Houston Rockets (10-24).



Sa Toronto, umiskor si­na Paul George at Ivica Zu­bac ng tig-23 points sa 124-113 paggupo ng LA Clippers (21-15) sa Raptors (15-19).

Sa San Francisco, nag­hulog si Klay Thompson ng 29 points sa 110-105 pagsapaw ng nagdedepensang Golden State Warriors (17-18) sa Charlotte Hornets (9-26).

Sa Dallas, nagposte si Luka Doncic ng franchise-record na 60 points, 21 rebounds at 10 assists sa 126-121 overtime win ng Mavericks (19-16) sa New York Knicks (18-17).

Sa Memphis, humataw si Duane Washington Jr. ng career-high na 26 points, sa 125-108 pagpapasikat ng Phoenix Suns (20-15) sa Grizzlies (20-13).