Advertisers
PITO (7) katao ang nadagdag sa mga nasawi kaya’t umakyat na sa kabuan bilang na 32 ang namatay sa baha at landslide dulot ng shearline, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
8 (Eastern Visayas) at Region 9 (Zamboanga Peninsula), at 1 sa CARAGA.
Nasa 24 katao ang missing: tig-11 katao sa Bicol Region at Eastern Visay, at tig-isa sa Zamboanga Peninzula at Northern Mindanao, habang 11 ang sugatan.
Umakayat sa 4,068 mga bahay ang napinsala: 3,322 ang partially damaged habang 746 ang wasak sa Region 4-A (Mimaropa), Regions 6 (Western Visayas), Region 8, Region 9, Region 10, Region 11 (Davao Region), CARAGA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nasa kabuan 124,853 pamilya (486,485 individual) ang naapektuhan mula sa 864 Barangay sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Caraga, at BARMM.
Nanatili naman sa 12,264 pamilya (56,110 imdividual) sa may 150 evacuation centers, habang 12,293 pamilya (45,503 idividual) ang nanunuluyan sa kani-kanilang mga kamag anak.
Umakyat na sa halagang P206,489,170 ang napinsala sa agriculture at P51,550,000 sa infrastructure. Nagkakahalaga naman sa P2,050,000 pinsala sa National Irrigation Administration.
Isinailalim na sa State of Calamity ang 20 cities at municipalities kabilang ang Llorente, Eastern Samar; Dapitan Zamboanga Del Norte, Gingoog Misamis Oriental, at buong lalawigan ng Misamis Occidental.
Patuloy ang pagkakaloob ng tulong at pamamahagi ng mga pagkain ang Armed Forces of the Philippine (AFP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya apektado ng kalamidad. (Mark Obleada)