Advertisers

Advertisers

4 ‘DRUG COURIER’, TIMBOG SA ECSTASY, SHABU AT HG MARIJUANA

0 204

Advertisers

APAT katao na hinihinalang ‘drug courier’ ang inaresto ng mga tauhan ng SPD-Drug Enforcement Unit at Pasay City Police Station Sub-Station 1 matapos na magsagawa ng buy-bust operation mula sa isang establisimento sa lungsod ng Pasay.

Sa ulat na natanggap ni NCRPO Chief PMGen Jonnel C. Estomo mula kay Southern Pollice District (SPD) District Director PBGen Kirby John Brion Kraft, nakilala ang apat na naarestong drug personality na sina Dzun Robe May,26, alias Jun/Jacky; Lorenzo Lagumbay Victoria,26; Alyssa Carceller Eden, 23 at Joebert Lorenzo Almenario,27.

Ang apat na suspek ay nahulihan ng apat na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 20 gramo na may street value na P 136,000.00; dalawang plastic sachet na naglalaman ng 10 ecstasy capsule ( MDMA) at dalawang ecstasy tablet na may halagang SDP na P16,800.00 at anim na heat sealed transparent packs na naglalaman ng hinihinalang high grade marijuana o kush na tumitimbang ng higit o mas mababa sa 180.01 gramo na may halagang SDP Php 252,014.00.



Batay sa inisyal na report, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SPD-DEU na talamak na umano ang bentahan ng droga sa Amazing Show kung saan ay pinamumugaran ito ng mga kabataan na nalulong sa droga.

Sa pakikipag-ugnayan sa Pasay City Police Sub- Station 1 ay agad na ikinasa ng mga operatiba ng DID,DSOU,DMFB ang buy-buy operation sa sinasabing ‘ target area’ kung saan ay nahuli sa pag-iingat ng mga suspek ang illegal drugs.

Ang iba pang ebidensyang narekober ay P500.00 buy-bust money, P10, 000.00 boodle money, isang puting Mitsubishi Mirage na may plate number NFU 9200, isang pulang Toyota Vios na may plate number ABT 5344 at dalawang itim na sling bag.

Dinala ang mga naarestong suspek sa SPD DDEU Office para sa dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 laban sa kanila. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">