Higit 100 distressed OFWs mula Kuwait at Dubai, sinalubong ni NAIA GM Chiong
Advertisers
Aabot sa 166 na mga distressed Overseas Filipino Workers OFWs ang magkakasunod na dumating sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 1 ngayong tanghali at sinalubong mismo ni airport general manager Cesar Chiong.
Unang dumating ang flight PR-659 lulan ang 100 OFWs mula Kuwait at Dubai, na sinundan ng flight GF-154 lulan naman ang 27 na mga distressed OFWs mula Kuwait.
Sumunod din na dumating ang Kuwait airways flight KU-417 lulan parin ang 39 OFWs.
Ang mga nasabing OFWs ay personal na sinalubong ni Chiong at kinatawan mula sa OWWA, sa kanilang pagdating sa NAIA terminal 1, kung saan sila ay inalalayan sa pag-proseso ng kanilang dokumento sa immigration.
Personal na tumulong si GM Chiong sa pamamahagi ng mga pasalubong sa OFWs na binigyan din ng tulong pinansyal. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)