Advertisers

Advertisers

1 patay, 1 sugatan sa jeep na sumalpok sa lobby ng ospital

0 228

Advertisers

NASAWI ang isang katao at isa ang sugatan nang bumangga ang pampasaherong jeep sa isang ospital sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Noe Ocenar Abaigar, isang motorcycle rider.

Sugatan naman ang security guard na si Marvin Pelaez.



Nangyari ang insidente sa kahabaan ng New Panaderos, harapan ng Trinity Women and Children Hospital sa Sta Ana.

Ayon sa pulisya, tumilapon ang rider nang mahagip ng jeep bago ito magtuloy-tuloy sa lobby ng ospital.

Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Ronaldo Fanis.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng jeep ang westward ng Phil St. sa Sta.Ana nang maplatan ng gulong at nagpagewang-gewang, dahilan para mawalan ng kontrol at nahagip ang motorsiklong minamaneho ni Abaigar.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">