Advertisers

Advertisers

Main Office ng BI sarado sa Traslacion

0 235

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang main office ay sarado sa January 9 dahil sa Traslacion.

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay taunang selebrasyon na ginagawa sa Quiapo, Manila bilang pagdiriwang ng imahe ng Itim na Nazareno ni Jesus Christ.

Sa isang advisory, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na bilang pagtugon sa Presidential Proclamation No. 120 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nagdedeklara sa Lunes bilang special non-working day sa Manila, ang operasyon ng BI Main Office ay suspendido



“We also advise foreign nationals who will be transacting with the BI to avoid the area due to the expected high volume of people following the feast of the Black Nazarene,” sabi ni Tansingco.

Sarado rin ang offsite annual report ng BI sa Robinsons place Manila. Samantala, sinabi naman ni Tansingco na ang iba pang immigration offices sa Metro Manila ay tuloy ang operasyon upang magsilbi sa lahat ng nangangailangan ng immigration services.

Ang listahan ng iba pang tanggapan ng ay matatagpuan sa website ng BI sa https://immigration.gov.ph/

Magbabalik ang operasyon ng BI Main Office sa Martes, January 10. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">