Advertisers

Advertisers

Kaso sa nakaw na yaman vs ex-AFP chief ibinasura ng Sandigan

0 111

Advertisers

Ibinasura na ng Sandiganbayan ang forfeiture case laban kay dating Armed Forces of the Philippines comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia nang makumpleto nito ang napagkasunduang plea bargaining sa pagitan mg Office of the Ombudsman.

“Wherefore, in view of the foregoing, the Motion to Withdraw the Petition filed by the Republic of the Philippines, as represented by the Office of the Special Prosecutor, is hereby granted, and Civil Cases Nos. 0193 and 0196 are hereby dismissed without prejudice,” nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan 4th Division.

Ang nasabing desisyon may petsang December 7, 2022 subali’t nitong Sabado lamang isinapubliko ng graft court.



Ipinaliwanag ng Sandigambayan na ang pagbawi sa mga kaso laban kay Garcia bunsod na rin ng pagkarekober sa mga nakaw na yaman na tinurnover ng pamilya Garcia.

Nilinaw ng Ombudsman na ang lahat ng kanilang pakay na mabawi na nakaw na yaman, naibalik na ng pamilya Garcia kaya wala nang dahilan para ituloy pa ang kaso.

“Withdrawing the cases to prevent further waste of the Court’s time, effort, and resources,” ayon sa Sandiganbayan.

Nasa kabuuang P53 million at 11 ari-arian ang nabawi mula kay Garcia na sinasabing nagkamal ng P300M ill-gotten wealth nang ito ay AFP comptroller.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">