Advertisers

Advertisers

MIAA AT MMDA ‘UMARANGKADA’ SA CLEARING OPERATIONS SA NAIA COMPLEX

0 155

Advertisers

ANG Manila International Airport Authority (MIAA) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagsagawa nang pagpupulong noong Disyembre 28, 2022 at napagkasunduan na tugunan ang talamak na paglabag sa colorum at illegally parked vehicles na nasa paligid ng Ninoy Aquino Internatioal Airport (NAIA) terminals simula Lunes.

Sa ngayon, ang pagsisikap na ito na maging maayos ay natupad sa pamamagitan ng MMDA Task Force on Clearing Operations sa pamumuno ng kanilang hepe na si Col. Edison “Bong” Nebrija, na nagsagawa ng clearing operations sa pamamagitan ng paghila ng mga sasakyang ilegal na nakaparada at pagdakip sa mga colorum na motorsiklo o karaniwang kilala sa tawag na “habal-habal” at iba pang colorum na sasakyan sa mga pangunahing lansangan malapit sa NAIA Terminals.

Ang Task Force sa pakikipagtulungan ng MIAA Traffic Police Division, Pasay LGU , I-ACT at iba pang ahensiya ng gobyerno ay magpapatuloy na magsagawa ng mas madalas na clearing operations sa airport complex.



“Nagpapasalamat kami sa MMDA sa kanilang pagpayag na tumulong sa amin sa paglutas ng problemang ito na matagal nang bumabagabag sa airport complex,” sabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong.

Si Chiong ay agad na nakipag-ugnayan sa MMDA dahil sa matinding trapiko sa paligid ng NAIA noong Christmas season.

Ang MIAA at MMDA ay magpapataw ng multa at parusa sa mga lumalabag o ‘violators’ alinsunod na rin sa mga umiiral na batas nang walang pagkiling sa pagsasampa ng mga kaso sa korte.

Nabatid sa ulat ng MMDA na ibinahagi sa MIAA, may kabuuang 35 violators ang naitala kung saan ay 29 dito ang natikitan ng law enforcers samantalang 13 sasakyan ang dinala sa impounding area. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">