Advertisers
NAGWAKAS na ang limang taon na pagtatago ng isang Abu Sayyaf sub-leader nang matunton siya ng mga otoridad sa Barangay Bulanza, Lantawan City, Basilan.
Isinilbi kay Tiyana Janna alias Kumander Ramboo ang isang warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Isabela City RTC Branch 1.
Nabatid na pang-anim na most wanted person ng Basilan Police si Janna.
Ayon sa pulisya, ang grupo ni Janna ang responsable sa pagpatay kay Dayasil Wakil, ng Barangay Sapah-bulak, Sumisip noong Hunyo 16, 2007.
Nakakulong ngayon si Janna sa Isabela City Police Station.