Advertisers
PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) na kararating lang sa bansa nang saksakin ng asawa nito sa isang hotel sa Mangaldan, Pangasinan, Linggo ng umaga.
Dead on arrival sa Mangaldan Rural Health Unit ang biktimang si Marilyn Acosta, 39 anyos, taga-Poblacion, Sual, Pangasinan.
Kaagad namang naaresto ng mga pulis ang salarin na si Richard Acosta, 41, security guard sa Sual Power Plant.
Sa report, naganap ang insidente sa loob ng Golden Success Hotel sa Barangay Bantayan nitong Enero 8.
Sa ulat, nag-check in sa hotel ang mag-asawa 7:45 ng umaga. Matapos ang tatlong oras, nakita ng isang roomboy na lumabas sa kuwarto ang lalaki na may bahid ng dugo ang katawan.
Kaagad na tumawag ng pulis ang mga tauhan ng hotel at nadiskubre ang duguang biktima sa ilalim ng kama.
“Maliit na tools, na may kutsilyo ang ginamit ng salarin” pahayag ng imbestigador.
Sinabi ng pulisya na posibleng selos ang motibo sa krimen.
“Pinagsuspetsahan ng salarin na ang kanyang misis may ibang lover,” dagdag pa ng imbestigador.