Advertisers

Advertisers

Presidente ng kooperatiba patay sa ambush

0 221

Advertisers

NASAWI ang presidente ng isang kooperatiba ng mga magsasaka sa Sta. Maria, Laguna nang tambangan habang sakay ng kanyang AUV sa Marilaque highway, Sitio Silangan, Barangay Juan Santiago sa nasabing bayan, Linggo ng umaga.

Kinilala ng Sta Maria Police ang biktima na si Harrison “Boy” Diamante, presidente ng Juan Santiago Agriculture Cooperative.

Ang mga naarestong salarin ay kinilalang sina Edgar Evangelio at Alex Vargas.



Sa report ng pulisya, tinatahak ng biktima ang Marilaque highway sakay ng kanyang Adventure AUV nang harangin at paputukan ng apat na lalaki na sakay ng L300 van 7:45 ng umaga.

Agad nasawi ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas ang mga salarin subali’t naharang ng mga nagrespondeng pulis sa Brgy. Talangka ang sinasakyan ng mga itong van at nagkaroon ng maiksing engkwentro hanggang sa maaresto ang dalawa sa mga ito.

Ang dalawa pang nakatakas aypinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Inaalam pa ang motibo sa krimen, at inihahanda narin ang isasampang kaso laban sa mga salarin.(KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">