Advertisers

Advertisers

Police stations, precinct chiefs sa NCRPO isinailalim sa drug tests

0 172

Advertisers

ISINAILALIM sa drug test ang mga police station at sub-station commander sa Metro Manila na may ranggong Lieutenant Colonel.

Inanunsiyo ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Major General Jonnel Estomo kasunod narin ng pagsasailalim niya at iba pang third-level officers sa surprise drug test noong Biyernes.

Nitong Lunes, lumabas na negatibo sa paggamit ng droga ang 67 opisyal ng NCRPO na nagpa-drug test.



Ayon kay Estomo, “mandatory” ang drug test na isinagawa Martes ng hapon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Katuwiran ni Estomo, sensitibo ang hinahawakang posisyon ng mga opisyal kaya’t nararapat na magsilbing magandang ehemplo ang mga ito ng kanilang mga tauhan.

Ibinahagi rin ni Estomo na isang third-level officer na lamang ng NCRPO ang hindi nagsusumite ng courtesy resignation bagamat positibo ito na tatalima sa apila ni Interior Sec. Benhur Abalos.