Advertisers
NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ukol sa paggamit ng iligal na droga makaraang isa nilang tauhan ang natimbog sa anti-illegal drug operation sa Zamboanga City.
Sa ulat na nakarating sa PCG, naaresto Enero 7 sa buy-bust operation sa Barangay Cabatangan, Zamboanga City si CG Seaman First Class (SN1) Bernabe Cosme Delin Jr., 32 anyos, kasama ang dalawa pa.
Nasamsam sa kanila ang limang plastic sachet ng shabu na nasa P11,628 ang halaga.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, nagsasagawa na sila ng administrative investigation at kung mapapatunayan ang pagkakasangkot ng tauhan sa operasyon o paggamit ng iligal na droga ay agad ito papatalsikin sa serbisyo.
Nakatakdang magsagawa ngayon ang PCG-District Southwestern Mindanao ng random drug test sa kanilang mga tauhan upang matukoy ang mga gumagamit ng iligal na droga at para matiyak ang propesyunalismo sa kanilang hanay.