Advertisers

Advertisers

Atty. Garafil itinalagang PCO Secretary

0 110

Advertisers

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Attorney Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office.

Nanumpa na sa tungkulin si Garafil sa harap ni Pangulong Marcos at saksi ang ilang opisyal ng Malakanyang.

Oktubre 7, 2022 nang itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang officer-in-charge ng PCO.



Bago naitalaga sa PCO, nagsilbi muna si Garafil bilang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Si Garafil ay isang dating mamamahayag bago pumasok sa gobyerno. (Vanz Fernandez)