Advertisers
NADAKIP ang dalawang lalaki nang mahulihan ng shabu sa bulsa ng short sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Baesa, Quezon City kaninang madaling araw Enero 14, 2023 (Sabado).
Nabatid sa ulat ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District Station 3 Talipapa police, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Gerard Apuad, alyas Bornok, 20, binata, walang trabaho; at Carlo Cunanan,18, binata,walang trabaho kapwa residente ng 40A Baesa Road, Brgy.Baesa,QC .
Sinabi ni PCpl. Neil Christian Cyrus Fresco investigator, na nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Baesa Road sa tabi ng Angel’s Burger, Brgy. Baesa, QC 2:30 ng madaling araw.
Ayon kay Fresco na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa suspek na si alyas Bornok at isang poseur-buyer na pulis ang nagpanggap na bibili ng umano ng droga sa suspek ng halagang P200.00.
Nabatid sa ulat na matapos iabot ang naturang droga agad dinakip ang nabiglang suspek at ang kasama nito.
Ayon sa pulisya nakuha rin sa bulsa ng suspek ang may tinatayang tatlong (3) gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P20,000.
Kugnay nito itinanggi naman ng mga suspek ang kaso laban sa kanila.
Nakapiit ngayon ang mga suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong illegal drugs.(Boy Celario)