Advertisers

Advertisers

‘SMUGGLERS ANG HULIHIN N’YO!’

Mga senador binanatan ang taga-Customs sa pagkaso sa PAL crew na nagdala ng pasalubong na sibuyas galing Saudi Arabia

0 140

Advertisers

NABAGABAG nitong Lunes ang ilang senador nang ang ilang crew ng Philippine Airlines (PAL) ay nalagay sa “hot water” dahil sa pagdadala ng sibuyas sa Pilipinas bilang “pasalubong”.

Inihayag nina Senador JV Ejercito at Raffy Tulfo ang kanilang pagkabahala tUngkol sa “double standard” na pagparusa sa PAL crew members habang hinahayaan ang mga talagang smuggler na mamayagpag.

“‘Yung PAL crew, nagdadala ‘yan ng pasalubong for personal consumption. Dati mansanas, ubas, pabango, sapatos. Ngayon, sibuyas na ang kanilang pinapasalubong sa kanilang mga pamilya. So, this is already a cause of alert,” sabi ni Ejercito sa Senate committee on agriculture, food, at agrarian reform hearing.



Ang mga kinumpiskang sibuyas mula sa airline crew members, sabi ni Ejercito, ay nagkakahalaga lamang ng $100 hanggang $150.

“Ito papatulan natin pero ‘yung mga big-time na cartel, smuggler, protektor, nakakalusot?” tanong niya.

Inayunan ni Tulfo ang mga sinabi ni Ejercito, aniya, ang bagay na ito ay “unacceptable.”

“Uminit ang ulo ko. Bureau of Customs, pinaghuhuli ‘nyo itong mga airline crew, hinarang ‘nyo pampasalubong lang. Bakit ‘yung malalaking big-time smugglers na paulit-ulit na binabanggit… hindi ‘nyo pinaghuhuli at pinagkukulong?” tanong ni Tulfo sa Customs officials na dumalo sa Senate hearing.

“Dapat priority ’nyo ‘yung mga big-time [smugglers]. Bakit hindi ‘nyo paghuhulihin? Siguro nasa opisina ‘nyo palagi. This is unacceptable,” bira pa ni Tulfo.



Ayon sa Bureau of Customs authorities, kinumpiska nila ang 1 kilos ng sibuyas mula sa PAL crew members na galing Riyadh, Saudi Arabia.

Ang naturang crew ay kakasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at ng Plant Quarantine Decree of 1978.

Ang senate panel, pinamumunuan ni Senador Cynthia Villar, ay iniimbestigahan ang pagtaas ng presyo ng sibuyas sa bansa.

Nitong weekend, sinabi ng Department of Agriculture na ang presyo ng sibuyas sa farm gate ay bumaba na sa P250 kada kilo, habang ang sugges-ted retail prices ay bumaba rin sa P400 kada kilo sa maraming lugar.