Advertisers
ISANG eroplano na bumibiyahe ng 27-minuto sa Nepal tourist town ang bumagsak nitong Linggo habang papalanding sa bagong bukas ng airport. Nasawi rito ang 68 sa 72 pasahero.
May isang testigo ang sinasabing narinig na umiiyak at humihingi ng tulong sa wasak na mga bahagi ng eroplano.
Ito na ang pinakamadugong airplane accident sa nakalipas na tatlong dekada sa bansa.
Bumagsak ang eroplano sa ibabaw ng mataas na bangin malapit sa airport sa resort ng bayan ng Pokhara.
Ayon sa local resident na si Bishnu Tiwari, na unang tumakbo sa crash site malapit sa Seti River at humingi ng tulong para sa paghahanap sa mga katawan, nahirapan ang mga rescuer dahil sa makapal na usok at lagablab ng apoy.
“The flames were so hot that we couldn’t go near the wreckage. I heard a man crying for help, but because of the flames and smoke we couldn’t help him,” sabi ni Tiwari.
Hindi pa batid ang sanhi ng trahedya, sabi ng Nepal Civil Aviation Authority.