Advertisers

Advertisers

Sa mga residente na magse-celebrate ng Chinese New Year abroad: reentry fee iproseso na bago umalis

0 137

Advertisers

PINAYUHAN ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga dayuhang residente na magdiriwang ng Chinese New Year sa ibang bansa na iproseso na ang kanilang reentry fees sa kahit na saang tanggapan ng BI bago umalis ng bansa.

Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong ang payo ay kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng bilang ng mga biyahero na pipila para magbayad ng kanilang reentry fees sa immigration cashiers ng departure area ng tatlong NAIA terminals.

“A significant number of them are Chinese residents in the country, who are flying out to spend the Chinese New Year abroad,” sabi ni Capulong.



“It results to build-up of passengers at the airport, which may be avoided if they secured their permits before going to the airport,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng immigration laws, sinumang foreign nationals na nakarehistro sa BI, at nagtataglay ng valid immigrant at non-immigrant visas ay kailangang kumuha ng exit at re-entry permits sa tuwing lalabas sila ng bansa. Kabilang dito ang permanent residents, foreign students, at workers na nagtataglay ng valid ACR I-cards.

Ayon pa kay Capulong, ang mga aalis na residente ay puwedeng kumuha ng permits sa airports o kahit na saang tanggapan ng BI sa bansa.

Ibinahagi din ni Capulong na ang pagkuha ng permits bago pa umalis ng bansa ay malaking katipiran sa oras at mas marami pang oras ang matitira para makapag-relax.

Idinagdag pa nito na ang BI ay mayroong 24/7 one stop shop sa NAIA terminal 3, kung saan ang mga departing passengers ay maaaring kumuha ng kanilang permits bago umalis. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">