Advertisers

Advertisers

Class opening asahang ‘di perpekto – DepEd

0 225

Advertisers

ALL SYSTEMS go na ang Department of Education (DepEd) sa unang araw ng pagbubukas ng klase bukas (Lunes), Oktubre 4, subalit asahan umano na hindi ito perpekto.
Ayon kay Usec. Diosdado San Antonio, inaasahan pa rin na mayroong mga minor issues sa unang araw ng school year 2020.
Sa tala ng DepEd, nasa 24 million ang nag-enroll habang 2 million pa ang hindi pa nakakapag-enroll.
Dahil dito, tuloy pa rin ang enrollment hanggang sa huling linggo ng Nobyembre basta hindi pa natatapos ang first periodical grading.
Base sa survey, 59% ang gagamit ng printed module at 20% ang online learning.
Nabatid na umabot sa 400,000 na estudyante mula sa mga private schools ang lumipat sa mga pampublikong paaralan. (Jonah Mallari)