Advertisers
Winasak ng mga awtoridad ang aabot sa P4.7 milyong halaga ng marijuana sa Ilocos Sur.
Sa pahayag ni Ilocos region police chief, Brig. Gen. John Chua, kabuuang 20,500 marijuana plants at limang kilong pinatuyong dahon nito ang sinunog ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Ilocos Sur at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Field Office 1 sa Benguet.
Unang nadiskubre ang taniman ng marijuana sa boundary ng Sitio Nagawa sa Barangay Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at Sitio Culiang sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.
Ang ikalawang plantasyon, nabisto naman sa pagitan ng Sitio Nakneng at Sitio Nagawa sa Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at Sitio Culiang sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.
“The uprooting and destruction of these marijuana plants are already good feats. I am also glad that we have identified the cultivators here, in that way, their arrest would be made easier once warrants we’re already given,” pagdidiin pa ni Chua.