Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, nanguna sa Chinese New Year celebration sa Maynila

0 245

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang celebration ng Chinese New Year sa Maynila na sinimulan sa pamamagitan ng New Year countdown sa Jones Bridge papuntang Chinatown ganap na alas-dose ng hatinggabi nitong Sabado.

Ang pagtitipon ay tinampukan ng makukulay na Pyro-Musical Fireworks Display sa Filipino-Chinese Friendship Bridge, Intramuros. Dinagsa ng mga tao ang tulay na nagsilbing viewing deck at iba pang lugar sa Chinatown upang masaksihan ang fireworks display na tumagal ng walong minuto.

Sa kanyang talumpati ay binigyang pagkilala ng alkalde ang presensya nina Ambassador of the Peoples Republic of China to the Philippines Huang Xilian; Ambassador of the Philippines to Beijing, Peoples Republic of China Jaime Florocruz,; kinatawan mula sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) kabilang sina external relations head Nelson Guevarra; third District Congressman Joel Chua; Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto; city administrator Bernie Ang; Manila Chinatown Development Council sa pangunguna ni Willord Chua; Manila Chinatown Barangay Organization sa panumuno ni Jefferson Lau; Manila-China Affairs chairman Ati Co, Manila City Councilors at mga department heads.



“The entire Filipino Chinese community observes this very important event to let go of all the negatives from the outgoing year and embrace all positives and fresh and attract prosperity and peace among families for the incoming year. This is also an opportunity for all our kababayans to enjoy the festivities for the Lunar New Year celebration, being one of the many Chinese influences that we Filipinos have adopted through the years,” sabi ni Lacuna.

Binanggit ni Lacuna ang malaking papel na ginagampanan ng mga Chinoy sa Maynila lalo na sa kanilang pagtulong sa tagumpay ng kanyang administrasyon at nagpahayag na sanay lumago pa at mas gumanda pa ang relasyon ng pamahalaan sa kanila.



Pinasalamatan din ni Lacuna ang mga miyembro ng Chinese-Filipino community na ayon sa kanya ay labis na sumusuporta sa kanyang mga programa na nagbibigay daan upang magtagumpay ang mga ito. Labis din nagpapasalamat ang alkalde sa kanilang ibinibigay na pagtitiwala sa pamamagitan ng pagtatayo ng kanilang negosyo at paninirahan dito sa Maynila.

“To Ambassador Xilian and Ambassador Florocruz, kindly extend our warm greetings to the people of Beijing and the entire Peoples Republic of China. As we welcome the Year of the Water Rabbit, we hope that all of us can pursue opportunity and success. We wish you and your loved ones happiness, prosperity, and good health and fortune,” sabi ni Lacuna.



Nang sumunod na araw, January 22, na mismong araw ng Chinese New Year ay pinangunahan naman ng lady mayor, ganap na alas- dos ng hapon ang Grand Parade o ‘Solidarity Parade’ sa Chinatown kung saan nagsimula sa Post Office.

Bago ito, ginanap ang Dragon Boat Competition sa Birch Tree Plaza, ganap na alas-otso ng umaga, habang ang Chinatown Food Festival na nagsimula noon pang January 19 ay tuloy-tuloy at ito ay matatagpuan sa Plaza Lorenzo Ruiz mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi ng January 22 .

Ayon kay Lacuna, ang mga gawaing inihanda para sa okasyon ay may koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng Chinese-Filipino community at ng city government of Manila.

Sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na isinara ang Muelle de la Industria Bridge nitong January 22 upang bigyang daan ang dragon boat competition.

Ang isang buong araw na gawain nitong Linggo ay nagtatapos sa pamamagitan ng Huaxing Arts Group Chinese Cultural Show sa Plaza Lorenzo Ruiz ganap na alas-sais ng gabi. (ANDI GARCIA)