Advertisers

Advertisers

Mga biktima ng human trafficking na Laos-bound, naharang sa NAIA – BI

0 242

Advertisers

INIULAT ng mga awtoridad ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naharang nila ang tatlong hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa nq nagpanggap bilang mga turista.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga pasahero ay hindi pinayagang makaalis nitong Friday bago pa makasakay ng Air Asia flight patungong Bangkok, Thailand sa NAIA 3 terminal.

“There will be no letup in our campaign against human trafficking. We are sending a strong notice to these syndicates that we have doubled our vigilance in seeing to it that our poor Kababayans do not fall prey to their activities,” deklara ng hepe ng BI.



Inamin din ng tatlong pasahero na sila ay patungong Vientianne, Laos kung saan umano sila magtatrabaho bilang mga customer service representatives sa isang kumpanya na ang sahod ay mula P30,000 hanggang P40,000 isang buwan.

“The modus operandi employed here by the syndicate is for their victims who were disguised as tourists to initially fly to Thailand where they would later board a connecting flight to Laos,” sabi ni Tangsinco.



Hindi ibinunyag ang pangalan ng tatlong pasahero dahil ipinagbabawal sa batas ang public disclosure ng mga human trafficking victims.

Ayon naman kay Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) head ng BI na si Ann Camille Mina, ang mga biktima ay nagbigay ng hindi magkakatugmang pahayag nang ini-interview at nagprisinta pa ng mga pekeng employment documents upang palabasin na sila nga ay nagtatrabaho sa bansa at kumikita ng malaki.



Inamin din ng mga biktima na ang kanilang dokumento ay ibinigay lang sa kanila, ilang oras bago pa sila magtungo sa airport.

Ang mga biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa kanilang recruiters. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)