Advertisers
MAHAHARAP ang anim na jail guards ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kaso nang masangkot sa ‘money-handling’ scheme.
Sa ulat, nakumpiska ng BuCor ang mahigit sa P300,000 cash na ipinatago ng mga person deprived of liberty (PDLs).
Ayon kay BuCor Officer-In-Charge Gregorio Catapang, Jr., nadiskubre ang cash-handling schme nang magtungo ito sa mga kulungan at nakita ang mga pera na itinago ng jail guards at empleyado sa loob ng mga locker ng BuCor.
Samantala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong mga katulad na scheme sa iba pang pasilidad at iba pang ahensya ng gobyerno.
Kinakailangan na umanong matugunan ang korapsyon sa loob ng BuCor at matigil ang pang-aabuso na ginagawa sa mga PDL.