Advertisers

Advertisers

Sundalo pinatay habang bumibili sa botika

0 115

Advertisers

NAHAGIP ng CCTV camera ang pamamaril sa isang sundalo na bumibili sa botika sa San Jose, Montevista, Davao de Oro.

Kinilala ang biktima na si Sergeant Rene Asio, 32 anyos.

Sa ulat, nangyari ang krimen Sabado, 8:00 ng gabi, sa labas ng botika sa Barangay Bangkerohan Sur.



Sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na bumibili nang sumulpot ang isang lalaki at malapitan pinagbabaril habang nakatalikod ang sundalo.

Kaagad nasawi ang biktima, habang mabilis na nakatakas ang salarin.

Ayon sa pulisya, pitong basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.

Sinabi ni Police Captain Alvin Atienza, hepe ng Montevista Police Station, mayroon na silang persons of interest.

Tinitingnan din ng pulisya ang paghihiganti na may kinalaman sa trabaho bilang motibo sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More