Advertisers

Advertisers

2 bgy. kagawad, 1 pa timbog sa shabu

0 62

Advertisers

ARESTADO ang dalawang barangay kagawad at isa pang indibidwal nang mahulihan ng iligal na droga sa buy bust operation Lunes ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang mga dinakip na sina Virgilio Diasanta Jr, 47 anyos; Allan Salumbre, 39, kapwa kagawad ng Barangay 537 Zone 53.

Naaresto rin si Albert Salumbre,37, na kabilang sa watchlist, mekaniko at residente ng 952 Cebu St., Brgy. 554.



Sa ulat ng MPD, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Sampaloc Police Station Drug Enforcement Unit kungsaan nadakip ang tatlo sa harap ng isang bahay sa 1057 Sta. Cruz st., kanto ng Batanes St., sakop ng Brgy. 537.

Naaresto rin ang magkapatid na sina Allan at Albert dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.

Nakumpiska sa mga ito ang walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400.(Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More