Advertisers

Advertisers

Brgy. chairman patay sa riding in tandem

0 80

Advertisers

NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Piat, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Richard Biraquit, 57 anyos, ng Sto. Domingo, Piat.

Sa report, 6:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Sitio Malasat, Brgy. Sto. Domingo
Papauwi na ang biktima at kanyang asawa na sakay sa kanilang Toyota Fortuner matapos bisitahin ang kanilang farm nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril.



Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa ‘di nabatid na direksyon.

Agad namang isinugod ng kanyang asawa ang biktima sa Nuestra Señora De Piat District Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober ng mga otoridad ang 5 basyo ng bala ng caliber 45 sa pinangyarihan ng krimen.

Si Biraquit ay tinanghal bilang Outstanding Sugarcane Farmer noong 2016-2017 sa National Gawad Saka Award ng Department of Agriculture at Gintong Medalya Awardee sa Dangal ng Lahing Cagayano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong 2019.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More