Advertisers

Advertisers

Misis, sinilaban ng ka-live in na tambay

0 173

Advertisers

NASUNOG ang ilang bahagi ng katawan ng isang misis nang buhusan ng thinner at silaban ng kinakasama na nadamay din at naabot ng apoy sa Barangay Narra 2, Silang, Cavite.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang si Annaebelle Calamdag Litada, 52 anyos, ng Barangay Narra 2.

Ang salarin ay ang kanyang karelasyon na si Mervin Chiongco Batiancila, 46, kasalukuyang sumasailalim sa gamutan sa ospital.



Sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Glenn Soriano, may hawak ng kaso, 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay kungsaan nagtalo ang mag-live in partner tungkol sa hindi pagtratrabaho ni Batiancila.

Nauwi sa palitan ng maaanghang na salita ang pagtatalo ng dalawa na ikinapikon ni Batiancila, dahilan upang dumampot ito ng lacquer thinner at ibinuhos sa biktima at sinindahan ito ng lighter.

Agad nasunog at nalapnos ang mukha at ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Dahil sa tindi ng pag­liyab, naabot din si Batiancila ng apoy kaya nagtamo din ito ng lapnos sa braso at katawan.

Kapwa itinakbo sa pagamutan ang dalawa

Sasampahan ng kasong frustrated murder, arson at paglapas sa Repaublic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children) si Batiancila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">