Advertisers
Patay na nang matagpuan ng New York Police Department noong Enero 19 sa hotel sa New York City ang 47 anyos na transgender.
Kinilala ng Philippine Consulate General sa New York ang bangkay na si Rodolfo Mañacap Jr., ang nasabing transgender Pinay na ilang araw na umano nawawala.
Ayon sa mga awtoridad, wala naman umanong mga palatandaan na nagdaan sa trauma ang katawan ng transgender Pinay. Malalaman na lang ang dahilan ng pagkamatay nito matapos ang autopsy.
Nakikipagugnayan naman umano ang konsulada ng Pilipinas sa mga awtoridad hinggil sa insidente.
“We are waiting for the results of the investigation that is being carried out at the moment. We have been in touch with the family and we have assured them that the consulate is here to support and to extend whatever assistance that they need. It is a sad and unfortunate thing that happened but we will get to the bottom of why and how it happened,” ayon kay Philippine Consul General Senen Mangalile.
Handa naman umanong tumulong ang konsulada ng Pilipinas sa pamilya ng biktima upang maiuwi ang bangkay nito.