Advertisers
NARESTO ng mga pulis ang kanilang ‘kabaro’ dahil sa kasong panggagahasa sa anak nito na tatlong taon-gulang sa Cabuyao, Laguna.
Sa ulat, naging maingat ang mga pulis sa ginawang pag-aresto sa suspek na posibleng armado.
Napag-alaman na mag-a-apat na taon gulang palang sa darating na Pebrero ang biktima.
Positibo umanong napagsamantalahan ang bata nang ipasuri sa doktor.
Nakakulong sa Cabuyao City Police Station ang ama na hindi pinangalanan. Nahaharap ito sa reklamong rape in relation to child abuse.
Mariin namang itinanggi ng ama ang paratang laban sa kaniya.