Advertisers
BIGO si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gerald Bantag sa kanyang hirit na mailipat sa Ombudsman ang kinahaharap na mga kaso.
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang ‘motion for reconsideration’ kayat itutuloy ng mga taga-usig ng kagawaran ang pag-iimbestiga sa reklamong murder ni Bantag kaugnay sa pagpatay sa broadcaster na si “Percy Lapid”.
Nagtakda ng pagdinig sa Pebrero 8 para sa pagsu-sumite ng mga kinasuhan ng kanilang counter-affidavit.
Ayon sa kampo ni Bantag, pag-aaralan pa nila ang kanilang mga opsyon.
Diin ni Atty. Rocky Balisong, abogado ni Bantag, nirerespeto nila ang disposisyon ng panel of prosecutors kaya’t umaasa sila na rerespetuhin din ang mga gagawin nilang hakbang na ayon rin sa mga batas.
Ngunit ayon sa DOJ, kapag nabigo ang mga kinasuhan ng kanilang counter-affidavits posibleng isumite na nila ang kaso para mabigyan ng resolusyon sa katuwiran na limitado lang ang panahon sa pagsasagawa ng preliminary investigation (PI).