Advertisers

Advertisers

P170k shabu nasabat sa Albay drug-bust

0 177

Advertisers

Nasabat ang nasa P170,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Legazpi City, Albay nitong Sabado, Pebrero 4.

Ayon kay Police Lieutenant Kharren Formales, Albay police spokesperson, kinilala ang suspek na si Noli Nasayao, 43 anyos, na nagbenta ng isang knot-tied sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo sa

isang undercover agent sa Barangay Bitano ng naturang lungsod, 1:24 ng hapon.



Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Nasayao.