Advertisers

Advertisers

LPG tank sumabog: 5 sugatan

0 135

Advertisers

Sugatan ang limang empleyado ng fast food outlet nang sumabog ang liquefied petroleum gas (LPG) tank sa Candelaria sa Quezon noong Biyernes ng hapon.

Base sa spot report mula sa Quezon police, kinilala ang apat sa injured workers sa isang chicken restaurant na sina Shayne Montales, supervisor; Ayie Efil, supervisor; Jennelyn Salazar Perez, crew; at Micko Buedron, cashier. Isa sa mga biktima ang hindi pinangalanan.

Dinala ang limang biktima sa pinakamalapit na ospital kasunod ng insidente.



Nagtamo sina Efil at Buedron ng second-degree burns sa kanilang katawan.

Sa ulat, naganap ang pagsabog 3:30 ng hapon sa isang restaurant sa loob ng WalterMart shopping mall sa Barangay Malabanban Norte.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mitsa ng pagsabog ng LPG tank.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">