Advertisers
Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga nang madakip sa magkahiwalay anti-drug operations sa Bacolod city.
Sa report ng Enforcement Agency-Western Visayas (PDEA-6), 4:20 ng hapon sa Barangay 10, Reclamation Area ng naturang lungsod, nadakip ang suspek na si Noel Palacios, 22, residente ng Purok Nangka, Barangay 3.
Nakuha kay Palacios, ang 500 gramo ng shabu na aabot sa halagang P6,800 per gram na may kabuuan halaga naP3.4 milyon.
Pagsapit ng 7:40 ng gabi sa Barangay Banago nahuli naman ang isa pang suspek na si Nemia Aguilar Jalando-on, 43, nasa high-value target list.
Nakumpiska kay Aguilar ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 at P1,000.
May kabuuang P3.5 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa mga naarestong suspek.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.