Advertisers

Advertisers

Nuggets binartolina ang Hawks

0 106

Advertisers

KUMAMADA si Jamal Murray ng season-high na 41 points, ha­bang inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika-18 triple-double sa season sa 128-108 pagdurog ng Nuggets sa Atlanta Hawks.

Nagrehistro si Jokic ng 14 points, 18 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-94 regu­lar-season triple-double sa career.

Nag-ambag si Michael Porter Jr. ng 23 points para sa Denver na tinablahan ang Boston Celtics para sa NBA best record na 37-16.



Umayoda si Dejounte Murray ng 28 points para sa Atlanta (27-27) at may 20 markers si De’Andre Hunter.

Kinuha ng Nuggets ang 18-point lead sa halftime, 70-52, at tuluyan ang ibina­on ang Hawks sa 124-103 sa huling 2:23 minuto ng fourth period.

Sa San Francisco, nag­lista si Stephen Curry ng 21 points, 7 assists at 6 re­bounds sa 119-113 pa­nalo ng nagdedepensang Golden State Warriors (27-26) sa Dallas Mavericks (28-26).