Advertisers

Advertisers

Love triangle: Mister tinodas ng ex-lover ni misis

0 183

Advertisers

Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng dating nobyo ng kinakasama nito na napatay rin ng mga rumespondeng residente sa sa Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna, noong Sabado ng gabi.

Agad nasawi sa lugar si Roilan Mendez Ilao, truck driver, bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo.

Ang ka-partner ni Ilao na si Marites Sulit hindi naman nasugatan sa pamamaril pero natulala dahil sa insidente.



At ang salarin sa pag-atake na si Randy Contreras Perez, agad din nasawi habang dinadala sa J.P. Rizal Hospital nang pagtulungang bugbugin at pagpapaluin ng taumbayan na mabilis na rumesponde sa lugar.

Ayon sa anak na babae ni Sulit, natutulog ang mga biktima sa kanilang kuwarto nang biglang dumating si Perez at tuluy-tuloy sa loob hanggang sa tangkain nitong buksan ang nasabing silid.

Gayunman, nabigo si Perez na mabuksan ito dahil naka-lock sa loob kaya pinaulanan nito ng bala ang bintana ng silid ng mag-live in partner at napuruhan ng bala ang nasabing mister.

Nang mawasak at matadtad ng bala ang bintana, dito na sumibat si Perez dala ang baril na ginamit nito.

Narinig naman ng mga residente ng Purok 1, Brgy. Lawa ang mga putok ng baril mula sa bahay ng mga biktima kaya agad na rumesponde.



Habang papatakas si Perez, naispatan naman ito ng grupo ng mga kabataang tambay at mga residente hanggang sa magkahabulan. Nang makorner, dito na nila pinagtulungang gulpihin at pagpapaluin si Perez na kanyang ikinamatay.

Sinabi ni Lt. Col. Lany Martirez, hepe ng Calamba Police Station na sinisilip nila ang anggulong “love triangle’ na motibo sa krimen.

Ayon kay Martirez, dating kinakasama ni Marites si Perez at mayroon dalawang anak nang magkahiwalay.