Advertisers

Advertisers

BI-BCIU, PINURI NI TANSINGCO SA PAGHULI SA 2 DAYUHANG MAY PEKENG DOKUMENTO

0 147

Advertisers

Pinapurihan ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga ahente ng Bureau of Immigration- Border Control Investigation Unit (BI- BCIU) na pinamumunuan ni Chief Dennis Alcedo sa pagkakaharang sa dalawang banyaga na may pekeng dokumento.

“We commend our alert personnel who were able to foil their attempt. We will ensure that upon deportation, they will not be able to return to the country,” pahayag ni Tansingco.

Nahuli ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo ng hapon ang isang Chinese national na nagtataglay ng pekeng Philippine visa sa kanyang passport.



Iniulat ni BCIU Chief Alcedo ang pagkakaharang kay Zhang Yang, 30, na nagtangkang umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 lulan ng Philippine Airlines flight patungong Bangkok, Thailand.

Nang magsagawa ng inspection ang mga tauhan ni BCIU chief Alcedo ay nadiskubre ng mga opisyal na ang pangalan ni Zhang ay kabilang sa blacklist ng BI dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pamamalagi sa bansa.

Sa pag-iimbestiga pa ni Alcedo ay napuna nila ang kaduda-dudang Philippine visa sa passport nito at nakumpirmang peke ng forensic documents laboratory ng BI

Samantala, iniulat din ng BCIU ang pagkakaharang kay Malkeet Singh, 42, Lunes ng umaga sa NAIA Terminal 1 matapos dumating sakay ng Scoot Airline flight mula Singapore.

Napuna ng mga opisyal ang dating Philippine arrival stamp sa passport ni Singh, pero may mga hindi umano pagkakatulad sa mga katangian nito. Nakumpirma rin ng tertiary inspection sa forensic laboratory ng BI na peke ang stamp nito.



Ang dalawa ay kaagad na inaresto at dinala sa holding facility ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang inaayos ang kanilang deportasyon. (JERRY S. TAN /JOJO SADIWA)