Advertisers

Advertisers

UP Prof. inaresto sa loob ng campus

0 196

Advertisers

INARESTO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (CIDG-PNP) si Professor Melania Lagahit-Flores sa kanyang tahanan sa loob ng University of the Philippines Diliman campus sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, umaga nang arestuhin si Flores, 58 anyos, UP professor, sa kaniyang tahanan sa 45 Gomburza St., UP Campus.

Si Flores ay sinorpresa ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Gilda T. Loja Pangalinan ng Branch 230 ng QC Regional Trial Court (RTC) sa kasong paglabag sa Social Security Law.



Nabatid na si Flores ay dating presidente ng All UP Academic Employees Union at national council member ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Dahil dito ay nagsagawa ng rally at umapela ang militanteng grupo. Anila, nilabag ng pulisya ang UP-DILG Accord of 1992 dahil nagpanggap na mga tauhan ng Department of Social Work and Development (DSWD) ang mga operatiba na umaresto kay Flores.

Sabi naman ng pulisya, ang pag-aresto sa akusado ay kautusan ng korte kungsaan legal ito at walang nalabag sa batas ang mga otoridad.

Kaagad namang nakapagpiyansa kinahapunan si Flores.(JUN FABON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">