Advertisers

Advertisers

2 ‘KILLERS’ NG UTOL NG MAYOR SA NEGROS PATAY SA AMBUSH

Ilang oras matapos palayain...

0 229

Advertisers

PATAY ang dalawa sa tatlong salarin sa pamamaslang sa kapatid ni Valencia, Negros Oriental Mayor Edgar Teves, Jr. sa nasabing bayan ilang oras matapos palayain Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang dalawang napatay na sina Danish Tim Moerch, 45 anyos, taga-West Balabag; at Myla Ozoa Cagas, taga-Brgy. Cadawinon, Dumaguete City.

Sa ulat, tinambangan sina Moerch at Cagas sa Brgy. Balugo, Valencia, Pebrero 8 ng gabi.



Nadamay sa insidente ang asawa ni Moerch na si Karen Kate Cadiente.

Ayon sa report, angkas ni Moerch si Cadiente sa motorsiklo nang barilin ng mga hindi nakikilalang mga lalaki.

Sina Moerch, Cagas at John Edward Remollo, taga-San Jose, ang tinuturong salarin sa pagpatay kay Don Paulo Teves, kapatid ng alkalde, at anak ni dating Mayor Edgar Teves, Sr., nitong Lunes.

Natagpuan ang bangkay ni Teves na nakabalot ng kumot at plastic sa isang lugar sa Valencia. Nakitaan ito ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Matapos ang pagpatay kay Teves inaresto ang tatlong tinuturong salarin.



Gayunman, iniutos ni Assistant Provincial Prosecutor Florence Ed Obial-Kadusale na palayain sina Moerch at Cagas nitong Miyerkules dahil sa iregularidad sa pag-aresto sa mga ito.

May teorya ang pulisya na dating alitan ang motibo sa pamamaslang batay narin sa rekord o blotter na isinapubliko ng pulisya.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Valencia Police chief, Major Roger Quijano, kaugnay sa insidente hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.