Advertisers
UMAKYAT pa sa 21,000 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.
Ang pagtaas ng bilang ay kasunod ng pagdating ng kauna-unahang tulong mula sa United Nations (UN) sa mga bayan sa Syria na kubkob ng mga rebelde.
Ayon kay WHO head Tedros Adhanom Ghebreyesus, banta sa buhay ng libo-libong residente ang malamig na panahon, lalo na ang karamihan sa kanila ay walang tirahan at wala rin makakain at mai-inom.
Dagdag pa, bumababa na ang tsansa na makakuha pa ng mga survivor sa guho kasabay ng paglampas ng 72-hour mark na itinakda ng mga eksperto.
Ang lindol na tumama nitong Lunes, Pebrero 6, ang kinukunsiderang pinakamalakas na tumama sa Turkey mula sa lindol noong 1939 na kumitil naman ng 33,000 katao sa eastern Erzincan province.
Ayon sa mga datos, sa huling bilang na 21,051 na nasawi, 17,674 sa mga ito ay mula sa Turkey habang ang 3,377 ay mula sa Syria.