Advertisers

Advertisers

Congw. Roman pinasalamatan

0 296

Advertisers

PINASASALAMATAN ng mahihirap na mamamayan ng Hermosa at Dinalupihan, Bataan si Congresswoman Geraldine Roman sa naging aksiyon nito para hindi maputulan ng kuryente ang mga hindi nakababayad dahil sa kawalan ng kita mula pa Marso 17 nang ipatupad ng gobierno ang community quarantine dahil sa pandemya ng covid-19.
Ang may 19 indibidwal mula sa mga naturang bayan ay lumapit sa Police Files Tonite matapos silang makatanggap ng ‘notice of disconnection’ mula sa Peninsula Electric Cooperative (PENELCO) dahil sa apat na buwan na silang ‘di nakakabayad ng kuryente.
Dahil dito, inilapit ng Police Files Tonite kay Congw. Roman ang naturang problema, at kaagad tinawagan ng mambabatas ang pamunuan ng PENELCO dito sa lalawigan, pinakiusapan na huwag munang magputol ng kuryente at gawin nalang hulugan ang bill ng mga hindi nakakabayad lalo yung may utang ng apat na buwan. Pumayag naman ang PENELCO.
Malaking pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mamamayan kay Congw. Roman sa kanyang agarang aksyon. (Diane Maribil Matilla)