Advertisers
Tinatayang nasa 100 bahay ang naabot sa nangyaring sunog sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City, Linggo ng umaga.
Sa ulat, nagsimula ang sunog 6:00 ng umaga sa isang residential area Block 32 Extension. At 7:30 ng umaga nang itaas ng Bureau of Fire Protection sa fourth alarm ang sunog at makalipas lang ang 20 minuto iniakyat na ito sa fifth alarm.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials gaya ng kahoy ang mga bahay.
Naging pahirapan din sa mga bumbero ang pag-apula sa apoy dahil sa masikip na daan papasok sa pinangyarihan ng sunog.
Ayon sa report, 8:34 ng umaga nang makontrol ang sunog hanggang idineklarang fireout 9:32 ng umaga.