Advertisers

Advertisers

‘Missing’ lola, natagpuang naaagnas sa bangin sa Rizal

0 179

Advertisers

NATAGPUAN na ang nawawalang lola matapos ang halos isang buwan na paghahanap ng pamilya subali’ t naagnas na ang katawan nito nang makita sa bangin ng Tanay, Rizal nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Nicolas Torre III, ang biktima na si Edilbertha Borruel Gomez, 79 anyos.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 6:30 ng umaga (February 11), nang makita ang naaagnas na bangkay ng biktima na nakasabit sa kakahuyan sa mabangin na lugar sa Marilaque High-way malapit sa Kilometer 50, Barangay Cuyambay, Tanay Rizal.



Ayon kay Torre, natunton ang bangkay ng lola dahil sa natanggap nilang impormasyon at sinasabing may nakasabit na kalansay sa bangin sa nasabing lalawigan.

Sinabi pa ng opisyal sa kanilang isinagawang cursory examination, may tama ng bala ng baril sa likod ng ulo ang lola kaya posibleng pinatay ito saka itinapon sa bangin.

Sa pahayag ng pamilya ng biktima, sumakay umano ng taxi ang lola noong Enero 14 at nagpahatid sa Quezon City upang doon sumakay ng bus patungo sa La Union pero mula noon hindi na ito nakita pa.

“Iniimbestigahan na ngayon kung paano siya nakarating sa lugar. May CCTV na kami. I would like to believe na biktima si Gomez ng robbery,” saad pa ng heneral.

Mayroon na rin aniya silang persons of interest pero wala pa silang hawak na konkretong ebidensya.



Patuloy naman na nagsasagawa ng follow-up operations ang mga kapulisan upang madakip ang mga salarin.