Advertisers
Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP), nang tambangan ng nasa 10 armadong tauhan ng miyembo ng local terrorists group 4:00 ng hapon, kahapon sa Barangay Pindululuhan, Picong, Lanao del Sur.
Bukod sa nasawi, ilang mga sugatan din ang naitala at kasalukuyang ginagamot na sa pinakamalapit na ospital.
Sa ulat, nagsasagawa ng Joint Law Enforcement Operations (JLEO) ang PNP at mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team – 2 (MBLT02) nang tambangan sila.
Kasalukuyang bina-validate pa na ng intelligence officer ng Marine Battalion Landing 2 ang nasabing insidente at nakikipag -ugnayan na rin ang mga sundalo sa Picong Municipal Police Station.
Sa ngayon hindi pa nagbibigay ng opisyal na report ang PNP at Philippine Marines kaugnay sa insidente.